Granada natagpuan sa Maynila
MANILA, Philippines - Isang granada ang natagpuan ng volunteer ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa Sta. Cruz, Maynila kahapon.
Ayon kay MDRRMO director Johnny Yu, naka-packaging tape ang granadang natagpuan dakong alas -11:30 ng tanghali sa panulukan ng Recto Avenue at T. Alonzo St. sa Sta. Cruz, Manila.
Dinala sa Explosives and Ordnance Division ng MPD ang granadang nakuha kasabay sa isinasagawang misa ng Santo Papa sa Manila Cathedral.
Itinanggi naman ni Yu na posibleng gagamitin ang granada sa five-day visit ni Pope Francis.
Sinabi ni Yu na isolated ang insidente at sa halip ay gang war ang nakikita niyang motibo dito.
Posibleng pamilyar ang suspek sa lugar kaya’t nagawa nitong iwan ang granada sa lugar.
Samantala, sinabi pa ni Yu na nakaantabay pa rin sila lalo pa’t pista din ng Sto. Niño ngayon.
- Latest