^

Metro

Top 1 at 2 most wanted ng QC timbog

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumagsak na sa kamay ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang most wanted persons sa magkahiwalay na operasyon laban sa mga ito sa lungsod.

Kinilala ni QCPD Director Police Sr/Supt. Joel D. Pagdilao ang mga suspek na sina Erick Lacaba, 27, binata ng Area V, Sitio Cabuyao, Sauyo, Novaliches, Quezon City at Mark Charlie Ang, 20, ng F-413 Camata St., San Roque 2, Brgy. Pag-asa, QC.

Ang dalawa ay may standing arrest warrants sa kasong Robbery.

Si Lacaba na nasa Top 1 Most Wanted Person sa Nova­liches Police Station (PS-4) ay naaresto sa kanyang bahay alas-6:30 ng gabi.

Habang si Ang na Top 2 Most Wanted ng Masambong Police Station (PS-2) ay nada­kip alas-5 ng hapon ng mga operatiba ng District Special Operations Unit (DSOU) sa may Talipapa Palengke St., San Roque 2, Bagong Pag-asa, QC. 

Samantala, bukod kina Lacaba at Ang, nahuli na rin kamakailan ang iba pang wanted sa batas na kabilang sa top-10 mula sa 12 police stations ng QCPD.

Ito ay kinilalang sina Ariel Ancheta at Jun Guiyab na nasa Top 2 at 4 ng Anonas Police Station-9 sa kasong robbery; Ryan Bistro, Top 4 ng Novaliches Police Station-4 sa kasong robbery with homicide; Rumar Palos, Top 4 ng Kamuning Police Station-10 sa kasong robbery, theft, at paglabag sa R.A 9165; Danilo Ignacio Top 4 mula sa Galas Police Station-11 sa kasong robbery at Joel Domita, Top 7 ng Masambong Police Station-2 sa kasong robbery/hold-up.

Ayon pa kay Pagdilao, ang pagdakip sa mga most wanted persons sa lungsod ay bahagi ng patuloy na programang ipinapatupad ng PNP para mabawasan ang mga salot ng lipunan na patuloy na guma­gala at gumagawa ng krimen.

vuukle comment

ANONAS POLICE STATION

AREA V

ARIEL ANCHETA

BAGONG PAG

MASAMBONG POLICE STATION

POLICE

SAN ROQUE

TOP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with