^

Metro

Vice mayor siniko, dinuraan ng estudyante

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng isang Sudanese na student pilot makaraang arestuhin ng pulisya sa kasong jaywalking, grave threat at assault kung saan siniko at dinuraan ang vice mayor  na nagmamando ng trapiko sa Maynila kama­kalawa ng gabi.

Kahapon ay isinalang sa inquest proceedings ang suspek na si Amro Aboud Hassan Eltayeb na umamin naman na siya ay nakainom ng alak bago pa siya maaresto.

Sa ulat ni SPO2 James Poso, dakong alas-6 ng gabi noong Martes nang  tumawid si Eltayeb sa panulukan ng Roxas Boulevard at Pedro Gil  Avenue kung saan nagmamando  ng traffic si Vice Mayor Isko Moreno.

Nang sitahin ng opisyal dahil hindi ito dapat tumawid ay nagwala na ang suspek kung saan lalong nanatili sa gitna ng kalye.

Gayon pa man, nilapitan ni Moreno ang suspek pero siniko siya nito kaya tumawag na ng traffic enforcers ang nasabing opisyal.

Kaagad na dinala ng mga operatiba ng pulisya ang suspek sa himpilan ng pulisya para imbestigahan subalit nagalit ito at dinuraan pa si Moreno sa likuran.

AMRO ABOUD HASSAN ELTAYEB

ELTAYEB

GAYON

JAMES POSO

KAAGAD

MORENO

PEDRO GIL

ROXAS BOULEVARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with