^

Metro

QC taxpayers, hinimok na maagang magbayad ng buwis

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinikayat ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang mga taxpayers laluna yaong mga magre-renew ng kanilang business permits na bayaran agad ang obligasyon sa buwis  ng mas maaga para makaiwas sa penalty at surcharges.

Sa ngayon, kahit holiday season, extended ang working hours ng lahat ng opisina sa QC hall na may kinalaman sa tax assessment at payments para sa January para maserbisyuhan ang mga magbabayad ng buwis .

Ayon kay  City administrator Aldrin C. Cuña, ang first quarter deadline para sa pagbabayad ng business taxes at ibang mga bayarin sa buwis ng walang multa ay magtatapos sa January 20, 2015.

Kaugnay nito, pinaalalahanan din ni Bautista ang mga taxpayers na ang lahat ng  treasury branches sa labas ng  QC Hall ay bukas din para tumanggap ng tax payments.

Ani  Cuña, ang lahat ng  low-risk establishments  na may gross sales value na P500,000 pababa tulad ng sari-sari stores at  apartment lessors ay maaaring magbayad ng kanilang business taxes  sa mga itinalagang treasury branches sa QC na matatagpuan sa  Novaliches, La Loma, Cubao, Talipapa at Galas.

“Hopefully, with this reminder, we can maintain just a single line for those who will be settling their tax obligations with the city government,” pahayag ni Cuña. Sa kasalukuyan, ang QC ay may mahigit sa  60,000 registered business establishments.

ALDRIN C

AYON

BAUTISTA

CUBAO

HINIKAYAT

KAUGNAY

LA LOMA

QUEZON CITY MAYOR HERBERT BAUTISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with