Pagbigat ng trapik lalong titindi number coding, suspendido mula Dec. 23- Jan 4
MANILA, Philippines – Asahan na lalung bibigat ang daloy ng trapiko sa Metro Manila matapos suspendihin ng Metropolitan Manila ang pagpapatupad ng number coding sa mga motorista simula sa Disyembre 23 (Martes).
Sa abiso ng pamunuan ng MMDA, simula sa Disyembre 23 hanggang Enero 4, 2014 ay suspendido na ang number coding sa mga pangunahing lansangan ng Kalakhang Maynila. Ito ang naging paghakbang ng MMDA ngayong holiday seasons lalo na sa naghahabol sa mga pamimili.
Mariin namang binatikos ng publiko lalo na ng grupo ng mga motorista ang MMDA dahil sa dami aniya ng kanilang programa para lamang maibsan ang trapik sa Kalakhang Maynila, pero imbes na maibsan ay lalung lumalala.
Balewala umano ang mga ipinagmamalaking programa ng MMDA tungkol sa masolusyunan ang matinding trapik sa buong Kalakhang Maynila dahil halos aniyang nagmistulang malaking paradahan ang ilang lansangan nito.
- Latest