^

Metro

utos ng LTFRB sa operators pangalan ng mga taxi driver, isumite

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inatasan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga operators ng taxi na isumite sa kanila ang listahan ng kanilang mga dri­ver kaugnay sa serye  ng krimen na nagaganap sa mga pampasaherong sasakyan tulad ng taxi sa kasalukuyan.

Ang bagay na ito ay iginiit ni LTFRB Chairman Wins­ton Gines sa ginanap na meeting­ kahapon ng umaga sa pagitan  ng mga opisyal ng naturang ahensiya, mga taxi operators at mga opis­yal ng Taxi Operators Association.

Ang kautusan ay naka­saad naman sa ipinalabas na direktiba ng LTFRB na nagsasabi ng ganito, “Ope­rators will be mandated by the agency to provide a list of their drivers, including their full names, personal information, employment history and accident record. It will then be fed into the LTFRB database for a background check on each of the drivers”.

Ang isang driver ng taxi ay kailangang magsabit ng ID nito na may sukat na 8.5-inch by 5.5-inch na nakalagay sa rear view mirror ng sasakyan sa lahat ng duty nito upang mabigyang impormasyon ang mga pasahero sa kanilang pagkaka­kilanlan.

Nakasaad din na ang ba­wat taxi operators ay kaila­ngan munang kumuha ng clearance mula sa LTFRB  bago mag-hire ng bagong driver upang maimpormahan ang naturang ahensiya at para makapagsagawa ng background check sa mga ito.

 

 

vuukle comment

CHAIRMAN WINS

GINES

INATASAN

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

NAKASAAD

SHY

TAXI

TAXI OPERATORS ASSOCIATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with