Tig-10 MMDA traffic enforcers, ipoposte sa bawat mall sa MM
MANILA, Philippines – Matapos magkasundo sa pagpapatupad sa “staggered schedule” o iba-ibang oras ng bukas at sara ng mga shopping mall sa Metro Manila para maibsan ang matinding trapik, magtatalaga naman ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ng tig-10 traffic enforcers sa bawat malalaking malls sa Kamaynilaan.
Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, nakatakda silang makipagpulong sa National Region-Police Office (NCRPO), mall security at traffic ukol dito.
Bukod dito, isasailalim ng ahensya sa crash course ng traffic management ang mga dagdag na security guard na kukunin ng mga mall operator.
“‘Yung mga mall na magha-hire ng additional security guard eh tuturuan namin ng crash course sa traffic management para lumabas-labas na sila nang kaunti doon sa parking area ng mga taxi, mga UV express para sa ganun, hindi lang sila du’n nakatutok sa entrance.
Samantala, nagpaalala si Tolentino na hindi nito pinahihintulutan ang mga miyembro ng MMDA traffic na mamasko sa kalsada.
- Latest