^

Metro

Pasyente tumalon mula ika-2 palapag ng ospital, patay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang babaeng pasyente sa Quezon City General Hospital ang nasawi makaraan umanong tumalon mula sa ikalawang  palapag ng Quezon City General Hospital, kahapon ng umaga.

Ang biktima ay kinilalang si Amora Te­negra, 35,  residente ng Phase 2, Package 1, Block 8, Lot 37, Bagong Silang Caloocan City.

Sa pagsisiyasat ni PO2 George Caculba,   lumilitaw na ang biktima ay dumaranas ng pagdurugo sa kanyang kaselanan nang halos 22 araw at na-admit sa ospital noon pang Noyembre 13, 2014.

Isinailalim na din ang biktima sa surgical operati­on at simula noon ay walang dumadalaw na kaanak nito.

Matapos na bigyan ng gamot ng nurse si Flos Carmeli Sobreo ang biktima na nasa OB isolation room ay iniwan  na niya ito. Ilang minuto ay bigla na lang narinig ang sigawan sa pagkahulog nito.

Agad na isinugod ang biktima sa emergency room ng ospital subalit idineklara na itong patay.

Sa pagsisiyasat, nabatid na ang biktima ay nagtamo ng multiple injuries sa kanyang ulo.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ang in­sidente.

AMORA TE

BAGONG SILANG CALOOCAN CITY

BIKTIMA

FLOS CARMELI SOBREO

GEORGE CACULBA

ILANG

ISANG

ISINAILALIM

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with