^

Metro

‘Pambabangketa’ng iligal na droga, mawawala na — MPD

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Manila Police District (MPD) na  unti-unti  nang mawawala ang  nakagawiang “pambabangketa” ng  iligal na droga ng mga pulis-Maynila matapos  ang pagkakadis­kubre ng ilang mga marijuana, shabu  at tablet sa District Anti-Illegal Drugs (DAID) noong nakaraang linggo.

Kasabay nito, sinabi ni Supt. Marissa Bruno, hepe ng MPD-PIO, na posibleng ma­tanggal sa serbisyo at kasuhan ang 14 na pulis ng DAID sakaling magpositibo ang resulta ng crime laboratory.

Ayon kay Bruno, dapat na magsilbing aral umano ito sa mga pulis na patuloy na nagsasagawa ng  mga  illegal operation kung saan ang mga inosenteng  sibilyan naman ang siyang nagiging biktima.

Kadalasan aniyang, ginagawang  ebidensiya ng mga pulis ang  hawak na droga  sa isang sibilyan upang pagkakitaan ang pakikipag-areglo. Wala umanong fall guy sa anumang uri ng kaso at krimen.

Sinabi ni Bruno, na ang  sopresang inspek­siyon ni MPD Director Sr. Supt. Rolando Nana  noong nakaraang  linggo sa   DAID ay alinsunod na rin sa kanyang natatanggap na reklamo at impormasyon  kung saan nagiging gatasan  ng  mga pulis.

Sa ngayon aniya, ang 14 na tauhan ng DAID ay sinibak at dinisarmahan kasabay ng  pagsasailalim sa mga ito sa drug testing.   Nakuhanan ang  DAID ng  marijuana,  tablet na pinaniniwalaang Valium, shabu at shabu paraphernalias.

Naniniwala  si Bruno na  matagal ng nangyayari  ito sa DAID subalit hindi lamang nabubuwag.

Hindi rin umano negatibo sa puwersa ng  MPD ang pagkakadiskubre ng   illegal na operasyon ng  DAID at sa halip ay malaking hamon sa  pulisya na mas lalo pa umanong  paigtingin ang kanilang kampanya  sa illegal drugs at iba pang uri ng krimen.

Pansamantalang pamumunuan ni Insp. Randy Pastra Veran ang  DAID.

Samantala, pabor naman si Manila 4th District Councilor Anton Capistrano sa  ginawa ni  Nana dahil  indikasyon lamang  ito na sinsero ang  MPD chief na simulan ang paglilinis sa kanyang hanay kung saan masusundan naman ng paglilinis  ng lungsod mula sa iba’t ibang katiwalian at pang-aabuso.

Dito ay mabibigyan ni Nana ng seguridad ang mga Manilenyo.

BRUNO

DAID

DIRECTOR SR. SUPT

DISTRICT COUNCILOR ANTON CAPISTRANO

MANILA POLICE DISTRICT

MARISSA BRUNO

RANDY PASTRA VERAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with