^

Metro

NCRPO umalerto vs mga kawatan ngayong Pasko

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inalerto na  ni Na­tional Capital Regional Police Office (NCRPO) director Carmelo Valmoria ang buong pwersa ng kapulisan sa Metro Manila­ dahil nagsisimula nang dumugin ng mga mamimili ang mga shopping mall  partikular ang area ng Divisoria sa Maynila para sa nalalapit na Kapaskuhan.

Inatasan ni Valmoria ang Manila Police District (MPD) na  magpatupad ng mahigpit na seguridad at mahigpit na tutukan ang area ng Divisoria upang sugpuin ang mga insidente ng nakawan tulad ng snatching, pandurukot, hold-up at iba pang petty crimes.

Ang direktiba ni Valmoria ay dahil na rin sa mga  report na maging ang mga tao  mula sa mga probinsiya ay duma­dagsa na sa Divisoria para mamili.

Iniutos din ng naturang opisyal na paigtingin ang intelligence para sa panga­ngalap ng impormasyon laban sa mga kriminal at kawatan na mananamantala ngayong holiday seasons. 

Muling nanawagan  ang pulisya sa mga mamimili na huwag maging matigas ang ulo at huwag silang magsusuot ng mga alahas  at huwag magdadala ng mga bagay na nakaka-attract sa mga ka­watang gumagala sa naturang lugar.

CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

CARMELO VALMORIA

DIVISORIA

INALERTO

MANILA POLICE DISTRICT

METRO MANILA

VALMORIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with