^

Metro

Mga magulang ni Enzo, nagharap ng petisyon para makuha ang kustodya sa 2 apo

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagharap kahapon ng petisyon sa  Makati City Regional Trial Court, Branch 136 bilang family court  ang mga magulang ng pinatay na race car driver na si Ferdinand  “Enzo” Pastor hinggil sa kustodya  ng dalawang menor-de-edad na anak nitong  lalaki.

Sa pitong pahinang opposition ng mag-asawang Tomas at Remedios Pastor, hiniling ng mga ito sa korte na ilipat sa kanila ang kustodiya sa dalawang   anak ni Enzo.

Hiniling pa rin nila sa korte   na ibasura  ang isinampang  petition ng mga magulang ng kanilang  manugang na si Dalia noong Setyembre 1, 2014, hinggil sa  payagan silang  maging permanenteng mangangalaga sa dalawang anak nila ni Enzo.

Sa unang isinampang  petition ng mga magulang ni Dalia na sina Xavier at Valerie Guerrero na bukod sa ibig nila na permanenteng makuha ang kustodya   sa kanilang dalawang apo  nais din ng mga ito na magkaroon sila ng control hinggil mga negosyo at kayamanan na minana ng dalawang bata.

Sa petition ng mga magulang ni Enzo, kinukuwestiyon nila ang moral at social character ng mga magulang ni Dalia,  na sinasabing  tinutulungan ng mga ito na iwasan ang kinakaharap na  murder case ng kanilang anak. Nabatid na isa sa pangunahing suspek sa pagpatay kay Enzo  ang misis nitong si Dalia.

vuukle comment

DALIA

ENZO

FERDINAND

HINILING

MAKATI CITY REGIONAL TRIAL COURT

NABATID

REMEDIOS PASTOR

VALERIE GUERRERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with