Operasyon ng MRT muling nagka-aberya
MANILA, Philippines - Habang rush hour ay muli na namang nagkaaberya ang operasyon ng Metro Rail Transit (MRT), kamakalawa ng gabi.
Ayon sa report, dakong alas-6:00 ng gabi nang ‘tumirik’ ang isang bagon ng MRT sa dulong riles ng North Avenue Station.
Makalipas ang 10-minuto ay muli namang naisaayos ang tumirik na bagon at muling nagbalik sa normal ang operasyon.
Kaugnay nito ay lumabas naman sa pagsusuri ng mga eksperto mula sa Hong Kong na “unsatisfactory” o hindi pasado ang kalidad at sistemang serbisyo sa mga pasahero ang MRT.
Sa draft ng Asset Condition and Capability Assessment Report ng mga taga-MRT-HK, lumilitaw na hindi na angkop ang disenyo ng MRT sa inaasahang pagdami pa ng pasahero. Ayon pa sa report, hindi rin angkop ang agwat at content ng maintenance ng MRT at posibleng bumaba pa ang kalidad nito sa mga susunod na taon.
Rekomendasyon ng MRT-HK na dapat ay pagtuunan ng pansin ng mga kinauukulan ang nasabing mga suliranin at ayusin na sa lalong madaling panahon ang mga sirang spare ng MRT.
- Latest