^

Metro

Holdaper sa bus, sumalakay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang aircon bus na may sakay na pitong pasahero ang hinoldap ng dalawang armadong lalaki na nagpaputok pa ng dalawang beses bilang panakot, kahapon ng ma­daling-araw sa lungsod Quezon.

Ayon sa ulat ni PO2 Jo­nald Onera ng Quezon City Police Station 10, alas-12 ng madaling-araw nang holdapin ng mga suspek ang Taguig Metrolink bus (UYA-664) na minamaneho ng isang Wildredo Guttierez sa kahabaan ng East Avenue Extension, partikular sa harap ng Banko Sentral ng Pilipinas.

Sabi ng konduktor na si Erwin Dumalag, galing umano sila sa kanilang ter­m?inal sa Fairview at bumibiyahe patungong Ayala nang pagsapit sa Commonwealth market ay sumakay ang pitong pasahero kasama ang dalawang suspek.

Pagsapit sa natunang lugar, biglang nagpaputok ng baril sa ibaba ang isa sa mga suspek, bago nagdeklara ng holdap at sinimulang limasin ang gamit at pera ng mga pasahero.

Nang makuha ang kanilang pakay, bago tuluyang bumaba ay muling nagpaputok ng baril sa ibaba ang suspek, bilang panakot.

Sa puntong ito nagpasya ang driver ng bus na dumi­retso na lang sa nasabing him­pilan para humingi ng tulong.

Patuloy ang imbestigas­yon ng awtoridad sa naturang insidente.
 

vuukle comment

AYALA

AYON

BANKO SENTRAL

EAST AVENUE EXTENSION

ERWIN DUMALAG

FAIRVIEW

QUEZON CITY POLICE STATION

TAGUIG METROLINK

WILDREDO GUTTIEREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with