^

Metro

Kelot tinaniman ng 6 na bala sa ulo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa naki­kilalang suspek ang isang 32-anyos na lalaki, kahapon ng umaga sa Quiapo, Manila.

Dead-on-the-spot si Kadafi Macmod, tricycle driver ng Globo de Oro St., Quiapo matapos na  anim na ulit na paulanan ng bala ng mga hindi  pa nakikilalang suspek sa panulukan ng Arlegui at  Elizondo Sts., sa Quiapo.

Batay sa imbestigas­yon ni Det. Rommel del Rosario ng MPD-Homicide Section, dakong alas-10:00 ng umaga kahapon nang makarinig nang sunud-sunod na putok ng baril at saka nakitang bumulagta na ang biktima sa naturang lugar.

Hinala ng pulisya na away pa sa Mindanao ang mo­tibo ng pagpatay at dito sa Maynila­ nag-krus ang landas ng dalawa.

Dagdag pa ng pulisya, ma­tindi ang galit ng suspek, dahil inubos nito ang bala ng 22 cali­ber sa mukha at sa ulo ni Macmod.

ARLEGUI

BATAY

DAGDAG

ELIZONDO STS

GLOBO

HINALA

HOMICIDE SECTION

KADAFI MACMOD

ORO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with