^

Metro

5 miyembro ng ‘Sako gang’, arestado

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Limang miyembro ng tina­guriang ‘Sako gang’ ang nadakip ng pulisya matapos holdapin ang isang pam­pasaherong jeep at tangayin ang pera at iba pang kagamitan ng mga biktima kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Base sa report na nakarating kay Police Senior Supt. Melchor Reyes, hepe ng Pasay City Polce, kinilala ang mga naarestong suspek na sina Joshua Gadaza, 19; Jonard dela Cruz, 18; Jerick Brondial, 18; at dalawang menor-de-edad.

Ayon sa pulisya, ang mga suspek ay naaresto alas-2:45 ng madaling-araw matapos holdapin ang isang pampasaherong jeep  na minamaneho ni Andy Patricio (TWN 417) at biyaheng MCU-Caloocan City.

Ayon kay Patricio, ka­salukuyan niyang binabagtas ang FB Harrison St., sa Pasay City sakay ang walong pasahero nang siya ay parahin sa kanto ng Saint Scholastica St. ng suspek na si Gadaza na umupo sa kanyang likuran.

Sinabi pa ni  Patricio, walang kaabug-abog na tinu­tukan siya ng patalim sa leeg ng suspek at nagdeklara ng holdap habang namalayan na lang din niyang nakasakay na rin sa loob ng jeep ang mga kasamahan ni Gadaza.

Mabilis umanong nilimas ang kanyang kinita sa loob ng isang araw na pagmamaneho, samantalang ang mga kasamahan nito na armado rin ng patalim ay kinuha naman ang mga cash, cellphones, alahas, at iba pang mga mahahalagang gamit ng mga biktima.

Tinangka rin umanong saksakin ang isa sa walong biktimang nakilalang si Carlo Bustamante, 28, nang ito ay manlaban na nagawa naman ng huli na salagin ang panaksak sa pamamagitan ng kanyang backpack na bag.

Ayon pa kay Patricio, matapos ang paghoholdap ay mabilis na nagsibabaan at tumakas ang mga suspek kung kaya’t  pinaharurot naman niya ang kanyang jeep upang humingi ng tulong sa pulis na nagresulta ng pagka­kaaresto sa mga suspek.

ANDY PATRICIO

AYON

CALOOCAN CITY

CARLO BUSTAMANTE

GADAZA

HARRISON ST.

PASAY CITY

PATRICIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with