^

Metro

Parricide isinampa sa mister na pumatay sa misis na trader

Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Love triangle ang sini­si­lip na motibo sa pagpatay sa isang 39-anyos na ginang sa Mandaluyong City kung saan sinampahan na ng kasong parricide ang mister nito.

Ayon kay Superintendent Cresencio Landicho, deputy chief for operation ng Mandaluyong City police na nasa anim na testigo ang nagtuturo na si Rodelio Ramirez, 49, ang siyang killer ng misis niyang si Maria Luisa.

Kahapon ay tuluyan nang sinampahan ng kasong parricide si Rodelio sa Mandalu­yong City prosecutors office.

Si Adoldo Castro, 73, tatay ng biktima ang siyang tuma­yong complainant sa kaso.

Binanggit pa ng pulisya na pinabulaanan ng may anim na testiho ang unang pahayag ni Rodelio tungkol sa pagkamatay ng kanyang misis.

Magugunitang sa unang kuwento ni Rodelio na nakita niya ang kanyang misis na duguan sa loob mismo ng kanilang townhouse sa Brgy. Addition Hills dakong alas-4 ng madaling-araw kamakalawa.

Sinabi pa nito na nakasalubong pa umano niya ang isa sa dalawang suspect na pumasok sa kanilang bahay at kinuha ang pera ng kanyang misis bago ito sinaksak.

Iba naman ang umano’y nakita ng mga testigo na nagsabing nakita nila si Rodelio na may itinapon na kut­silyo, ice pick at cellphone ng biktima sa drainage.

Si Rodelio ay nakapiit ngayon sa Mandaluyong City police.

ADDITION HILLS

AYON

MANDALUYONG CITY

MARIA LUISA

RODELIO

RODELIO RAMIREZ

SI ADOLDO CASTRO

SI RODELIO

SUPERINTENDENT CRESENCIO LANDICHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with