LRT nagkaaberya uli
MANILA, Philippines - Muling nagkaaberya ang biyahe ng Light Rail Transit (LRT) 1 at ilang minutong naantala ang operasyon nito dahil sa problemang teknikal ng bagon nito, kamakalawa ng gabi.
Nabatid kay Atty. Hernando Cabrera, spokesperson ng Light Trail Transit Authority (LRTA), alas-7:35 ng gabi nang magkaproblema ang isang tren sa bahagi ng Doroteo Jose Station north-bound.
Ayon kay Cabrera, nabatid na labing limang minuto lamang naantala ang biyahe at agad naman aniyang naibalik sa normal ang operasyon nito alas-7:50 ng gabi matapos maitulak ang isa sa mga bagon nito.
Aniya agad naman natanggal ang train na nagkaproblema, kung kaya’t hindi naman naging malala ang naging aberya ng biyahe nito .
“Ang priority kasi maitulak muna natin para gumalaw na rin ‘yung ibang mga tren na nasa likod at para magtuluy-tuloy ang biyahe” pahayag pa ni Atty. Cabrera.
Hindi naman maipaliwanag ni Cabrera kung anong uri ng problemang teknikal ng naturang train.
- Latest