^

Metro

Kaya inalis ang truck ban ‘Ayokong magkabarilan!’ – Erap

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ayokong umabot pa sa pagbabarilan!

Ito naman ang bi­nigyan-diin ni Manila Mayor Joseph Estrada kung kaya’t inaprubahan niya ang rekomendasyon ng Traffic  Management  Council na alisin ang  truck ban.

Ayon kay Estrada,  hindi umano malayong magkaroon ng gulo sa pagitan ng Task Force Pantalan at mga enforcers ng city go­vernment kaugnay sa problema sa port congestion at sa pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Hindi naman umano maaaring isakripisyo ang kapakanan ng mga enforcers na hindi naman regular na sumasahod sa lungsod subalit tumutulong sa problema sa trapiko.

Lumilitaw  din na karamihan sa mga truck na dumadaan sa Maynila ay pagmamay-ari ng  mga retirado at aktibong  heneral ng Philippine National Police (PNP) kaya pursigido ang mga ito na alisin ang truck ban.

Nakakalungkot lamang  isipin na  gina­gamit pa ng mga heneral ang kanilang impluwensiya upang kontrahin ang ipinatutupad na truck ban bilang tugon naman ng city govern­ment sa ma­tinding trapiko.

Dapat aniyang imbestigahan  ito ng national government kung nais ng mga ito na maresolba ang  port congestion.

Para naman kay Vice Mayor Isko Mo­reno, ang batas ay dapat na ipinatupad sa lahat dahil kung magpapatalo ang pamahalaan sa kahilingan ng mga negosyante at ilang sektor, hindi na kailangan pa ang pamahalaan.

Ayon kay Moreno, titingnan  nila ang magiging sitwasyon at bibigyan nila ng pagkakataon ang national government na solusyunan  ang  port congestion,  habang ipatutupad pa rin nila ang  ibang bahagi ng  ordinansa.

Prayoridad pa rin  nila ang  kapakanan ng Manilenyo na matagal nang nagtiis  at ngayon ay umaasa ng pagbabago.

Sinabi naman ni Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) Director Carter Don Logica na  handa pa rin silang  tumulong sa  national government dahil iisa lamang ang kanilang  mga  layunin.

AYON

DIRECTOR CARTER DON LOGICA

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

TASK FORCE PANTALAN

VICE MAYOR ISKO MO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with