Rollback uli sa presyo ng petrolyo
MANILA, Philippines - Muling nagpatupad ng rollback ng kanilang produkto ang isang kompanya ng langis.
Sa abiso kahapon ng Petron, base sa ipinadalang text message ng kanilang Media Affairs, ngayong araw na ito, Setyembre 9, ipapatupad ang rollback sa ilan nilang produkto at epektibo ito, alas-12:00 ng madaling-araw.
Para sa diesel, nasa P0.25 kada litro ang ibinaba at ang kerosene naman ay nasa P0.10 kada litro. Ito ay bunsod aniya ng paggalaw ng presyo sa world market at inaasahang susunod na rin ang iba pang oil companies para sa rollback.
Matatandaan, na noong nakaraang buwan ay pitong beses na sunud-sunod na nagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ilang oil companies at ang pinakahuli nga ay noong Agosto 19.
- Latest
















