^

Metro

Totoy sangkot sa holdup-slay ng family driver, arestado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hawak na ng mga awtoridad ang isa sa apat na binatilyong sangkot umano sa panghoholdap at pagpatay sa isang family driver sa Sta. Cruz, Maynila noong Martes ng madaling araw.

Positibong itinuro ng security guard na testigo sa harap ni P/Insp. Steve Casimiro, hepe ng Manila Police District-Homicide Section ang nadakip na suspect na itinago sa pangalang Jun-jun, 16-anyos, residente  ng Pedro Guevarra St., Sta.Cruz, Manila.

Tatlo pa sa mga menor de edad na suspects ang patuloy na tinutugis ng mga ope­ratiba. Ang mga ito ay sinasabing nasa edad na  17 at 14 anyos. 

Nabatid na napatay ng mga suspects ang biktimang si Be­nedicto dela Cruz, 52, residente ng Pedro Guavarra St., Sta.Cruz, noong Martes alas-4:00 ng madaling-araw sa panulukan ng Fugoso at Natividad Sts. Sta. Cruz, Manila.

Sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo,  nakita umano ng sekyu ang paghila ng bagpack ni dela Cruz nang nadakip na suspek  at nang pumalag ang biktima ay pinagtulungang saksakin saka iniwan. Nabatid na tanging laman lang ng kinuhang bag sa biktima ang baon nitong kanin at ulam at pamasahe na isang daang piso.

vuukle comment

CRUZ

FUGOSO

GLENZOR VALLEJO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

NABATID

NATIVIDAD STS

PEDRO GUAVARRA ST.

PEDRO GUEVARRA ST.

STEVE CASIMIRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with