Walang reply sa text, patay na pala
MANILA, Philippines - Patay na nang matagpuan ang isang caretaker sa loob ng kanyang binabantayan bahay sa barangay Old Balara, Quezon City kahapon ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Natividad Panimbaan, 40- anyos, may-asawa ng #1 Asi Dormitory Compound, Feria Road, Barangay Old Balara.
Ayon kay PO2 Jayson Tolentino ng QC Police District station 6 Batasan natagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang binabantayang bahay sa no. 1 Asi Dormitory Compound, Feria Road dakong alas-9:00 ng umaga.
Sinasabing natuklasan lamang ang bangkay ng biktima nang makailang ulit itong hindi mag-reply sa mga text sa cellphone ng kanyang kaibigan na nakilalang isang Maricel Turrado nitong nakaraang Biyernes.
Para matiyak kung bakit hindi sumasagot sa text ay minabuti ni Turrado na puntahan ang binabantayang bahay ng biktima at dito natuklasan ang bangkay ng biktima na nakahandusay pa sa sahig at wala nang buhay.
- Latest