^

Metro

4 sugatan sa pamamaril sa Pasay

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat katao ang malubhang nasugatan matapos ang ginawang pamamaril ng riding-in-tandem, kahapon ng madaling araw sa Pasay City. Kinilala ang mga biktimang sina Saddam Cerera, isang vendor; Ricky Geraldino, 34; Aron Dominique Talban, 23 at   Fred Belogot.

Sa report na nakarating sa tanggapan ni Police Chief Inspector Angelito De Juan, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), Pasay City, naganap ang insidente alas-3:20 ng madaling-araw sa may  EDSA Zone 15, Brgy. 142 ng naturang lungsod.

Nabatid, na nakikipaglaro si Cerera ng cara y cruz sa ilang kalalakihan at naroon din ng oras iyun ang tatlo pang biktima nang dumating ang isang kulay itim na motorsiklo na walang plaka lulan ang mga suspek.

Walang sabi-sabing pinaulanan ng mga salarin ng bala ng baril ang mga naglalarong biktima kung saan napuruhan si  Cerera.

Mabilis namang nagsitakas ang mga suspect. Iniimbestigahan pa ng pulisya ang nasabing pamamaril at inaalam na rin ang motibo nito.

APAT

ARON DOMINIQUE TALBAN

BRGY

CERERA

FRED BELOGOT

PASAY CITY

POLICE CHIEF INSPECTOR ANGELITO DE JUAN

RICKY GERALDINO

SADDAM CERERA

STATION INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT BRANCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with