^

Metro

Tandem na kawatan, bulagta sa motorcycle cops

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bulagta  ang riding-in-tandem suspects matapos na makaengkuwentro ang mga miyembro ng Manila Police District (MPD) sa bahagi ng round table sa panulukan ng P. Burgos St. at Finance Road  sa Ermita, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Pinaniniwalaang mga holdaper ang mga suspek na inilarawan ang isa sa edad na 35 hanggang 40, 5’3’’ hanggang 5’5’’ ang taas, nakasuot ng kulay itim na t-shirt, cream ang kumbinasyon ng checkered na pantalon at itim na sinturon habang ang isa ay naka-itim na jacket, brown ang short pants, tinatayang nasa 35-40 anyos, kapwa naka-helmet na ang isa ay kumbinasyong pula at itim habang ang isa ay itim at armado­ ng tig-isang .38 kalibreng pistola  na kargado ng bala.

Ayon sa ulat napansin ng mga awtoridad na sadyang itinupi pataas ang plaka ng itim na Honda 100 motorcycle (1273 UD) upang hindi maplakahan sa oras na makagawa ng krimen.

Isinailalim naman sa interogasyon ang dalawang sangkot sa pakikipagbarilan na sina PO1 Ricardo Lo at PO1 Vermon Guerrero, na kapwa miyembro umano ng  Tactical Motorcycle Rider Unit (TMRU) ng MPD-Station 5.

Sa ulat ni PO3 Michael Maraggun sa hepe ng Homicide Section na si P/Insp. Stave Casimiro, dakong alas-4:25 ng madaling araw nang maganap engkwentro sa pagitan ng dalawang nasawi at ng dalawang pulis sa panulukan ng Finance Road at Burgos Drive sa Intramuros, Ermita, Manila.

Nabatid na ang dalawang pulis na nagpapatrulya sa Ayala Boulevard, sakay ng police service mobile (MC-3526) nang maispatan ang kahina-hinalang riding-in-tandem  kaya sinubukang buntutan subalit agad silang pinaputukan ng nakaangkas dahilan para gumanti ng putok ang mga pulis at masapul ang mga suspect.

vuukle comment

AYALA BOULEVARD

BURGOS ST.

ERMITA

FINANCE ROAD

HOMICIDE SECTION

MANILA POLICE DISTRICT

MICHAEL MARAGGUN

RICARDO LO

STAVE CASIMIRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with