^

Metro

Amerikano sinamurai ng addict

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang Ame­rikano makaraang masaksak gamit ang isang sa­murai ng isang 29-an­yos na lalaki na nahulihan pa ng mga paraphernalia ng iligal na droga, kamaka­lawa ng gabi sa Makati City.

Nalagutan ng hininga dahil sa malalim na saksak sa katawan ang biktimang si Robert Trotter, pansa­mantalang nanunuluyan sa no. 2963 General Del Pilar Street, Brgy. Bangkal, ng naturang lungsod.

Nasakote naman ng mga rumespondeng mga barangay tanod at pulis ang suspek na nakila­lang si Gerald Gelera, ng no. 5051 Malolos Street, Brgy. Olympia, ng natu­rang lungsod.

Dakong alas-9 kama­kalawa ng gabi nang ma­ganap ang krimen sa ika­apat na palapag ng condomi­nium building na tinutulu­yan ni Trotter sa General del Pilar Street.

Ayon sa obrerong si Dennis Ancajas, humi­ngi sila ng responde at na­­abutan ang biktima  na sinasaksak ng suspek.

Nakuha pa sa poses­yon nito ang tatlong stick ng marijuana, dalawang tooter, at samurai na ginamit sa pamamaslang.

Nahaharap naman ito ngayon sa kasong murder at paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

 

BRGY

DENNIS ANCAJAS

DRUGS ACT

GENERAL DEL PILAR STREET

GERALD GELERA

MAKATI CITY

MALOLOS STREET

PILAR STREET

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with