^

Metro

Empleyado ng Max, na-hit-and-run

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bali ang kanang binti, putok ang ulo na bumulagta sa kalye ang isang 27-anyos na babae habang pasa at galos naman ang tinamo ng kasama niyang lalaki, na kapwa biktima ng hit- and-run sa Roxas Boulevard sa tapat ng Cultural Center of the Philippines (CCP), sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Ang dalawang biktima ay napag-alamang kapwa em­pleyado ng Max Fried Chicken Restaurant na matatagpuan sa loob ng Harrison Plaza Mall, sa Adriatico St., Malate, Maynila.

Nasa kritikal na kondisyon sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktimang kinilalang si Valerie Aniel, residente ng Las Piñas City, habang ang kasama niyang si Kelvin Principe, 20, ay nasa ligtas nang kalagayan dahil pawang mga pasa at galos lamang ang kanyang tinamo sa ulo, mukha at katawan.

Batay sa impormasyon mula sa Philippine Red Cross, dakong alas-2:10 ng madaling-araw nang respondehan nila ang insidenteng naganap sa sout-bound lane ng Roxas Blvd.  kung saan dinatnan ang walang malay na nakahandusay na babaeng biktima.

Sinabi umano ni Principe, kapwa sila nakainom ng alak ng babaeng kasama ma­tapos manggaling sa isang bar. Nagpasya umanong uminom ng mga biktima dahil end of contract  o huling araw na sa trabaho sa nasabing establisemento si Principu.

Dinala ng mga PRC volun­teers ambulance team sa na­sabing ospital ang mga bik­tima at binigyan ng paunang lunas bago itinurn-over sa Emergency Room medical personnel.

 

ADRIATICO ST.

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

EMERGENCY ROOM

HARRISON PLAZA MALL

KELVIN PRINCIPE

LAS PI

MAX FRIED CHICKEN RESTAURANT

MAYNILA

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with