^

Metro

2 Pa susuko sa NBI suspects sa hazing, pinangalanan na

Lordeth Bonilla at Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinangalanan na ng Ma­kati City Police ang sampung miyembro ng Tau Gamma Phi Fraternity na umano’y res­ponsable sa initiation rite sa apat na neophytes kabilang dito ang nasawing estudyante ng De La Salle-College of Saint Benilde na si Guillermo Cesar Servando.

Base sa follow-up ng Makati City Police, ang mga ito ay kinilalang sina Cody Morales, head-lord ng Tau Gamma Phi Fraternity; Pope Bautista, secretary; Trex Garcia; Hans Tamarin; alias Navoa; alias Rey Jay; alias Mike; alias Kurt; alias Louie at alias Emeng, ang master initiator ng hazing.

Ito ay base sa naging pahayag ng sumukong si Jomar Pajarito, 26,  miyembro din ng naturang fraternity at caretaker  sa bahay kung saan ginawa ang initiation  sa apat na neophytes ka­bilang ang nasawing si Servando at  ang sugatang si John Paul Raval, na anak ng isang ret. Police General at dalawang iba pa.

Nabatid, na ang nabanggit na mga pangalan  ay kinokonsidera na ng pulisya na mga  suspek at inaalam na rin nila  ang tunay na pangalan ng mga ito.

Nagbigay na rin ng kanyang pahayag sa pamunuan ng  Makati City Police si John Paul hinggil sa insidente.

Kung saan si John Paul ang isa sa nakuhanan ng CCTV camera at siyang  tumawag ng emergency sa 117 at Philippine Red Cross upang humingi ng tulong hinggil sa sinapit ni Ser­vando habang sila ay nasa Archers­ Place Condominium sa Maynila.

Ang initiation ay isinagawa sa isang bahay  sa  4454 panulukan ng Calatagan at Hilario Sts.,  Brgy. Palanan, Makati City noong Sabado.

Sinabi rin ni John Paul  na noong Hunyo 24 ng taong kasalukuyan ay ni-recruit sila ng dalawang miyembro ng Tau Gamma Phil Fraternity na sumali sa grupo at tinatakot umano sila nito kapag hindi sila sumali.

Sanhi ng  takot ng mga neophytes dahilan upang sumali na lamang sila sa nabanggit na fraternity.

 Kahapon din ay nagtungo ang mga kaanak ng biktimang si Servando at kina­usap nila si Pajarito na nasa custody ngayon ng Makati City Police, subalit hindi muna idinetalye ang naging pag-uusap ng mga ito.

Samantala,   kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na may dalawa silang suspect na inaasahang lulutang na rin.

Ayon kay  NBI-Death Investigation Chief Joel Tovera, may surrender feeler ang dalawa na tumawag  noong Lunes para sa pagsuko ng  mga ito sa NBI at magbigay-linaw sa pangyayari.

Nakipag-ugnayan umano ang dalawa  sa mga tauhan niya para sa kanilang pagsuko.

Gayunman, hindi naman idinetalye ng NBI kung ano na ang status ng dalawang susuko o kung nasa kamay na nila ang mga ito.

Nagpaliwanag din sa NBI-Death Investigation Division (DID),ang hindi pa pinangalanang lalaki  na siya ay hindi sangkot sa hazing at walang kinalaman sa pagkamatay ni Servando.

Siya umano ay empleyado sa  One Archer’s building  at hindi umano siya dapat na maituring na suspek, gaya ng naglabasang ulat mula sa Manila Police District (MPD) nang maipakita ang na­sabing footage.

 

CITY POLICE

CODY MORALES

DE LA SALLE-COLLEGE OF SAINT BENILDE

JOHN PAUL

MAKATI CITY POLICE

SERVANDO

TAU GAMMA PHI FRATERNITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with