^

Metro

Mangingikil na Koreano, arestado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinabitbit sa mga awtoridad  ang isang 38-anyos na Korean­ national nang ireklamo ng may-ari ng internet café sa pagwawala, makaraang itaboy dahil sa pangungulit na manghingi ng pera  sa mga kababayan niyang Koreano  na kliyente ng internet shop sa Malate, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng Manila Police District-General Assignment Section ang suspek na kinilalang si  An Byon Ju, tubong-Seoul, Korea at  umano’y  palaboy sa erya ng Malate.

Sa salaysay ng complainant na si Kristina Aquino, 30, may-ari ng Internet Digital X-Zone 3 Internet Café sa  Malate, bandang alas-5:00 ng hapon kamakalawa  ay halos patulan na umano ng mga kliyente ng internet café ang suspek, partikular ng kapwa niya Koreano dahil sa sapilitang panghihingi ng pera.

Maging ang mga kalapit na establisimento umano ng internet café ay nagagalit na rin sa pagiging pasaway ng suspek.

Napilitan umanong itaboy ni Aquino ang suspek dahil naiistorbo ang mga parukyano nila subalit nagwala ito at tinadyakan ang pintuan ng shop at nang nasa labas na ay binunot umano ang kutsilyo mula sa bulsa at iniamba kay Aquino.

Nagmadaling pumasok sa internet shop ang ginang at tinawagan ang nakakasakop na barangay.

Binitbit naman ang suspek sa himpilan ng pulisya ng mga rumespondeng barangay tanod at opisyal ng barangay.

 

vuukle comment

AN BYON JU

AQUINO

INTERNET

INTERNET CAF

INTERNET DIGITAL X-ZONE

KOREANO

KRISTINA AQUINO

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT SECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with