^

Metro

Ipinahiya sa nobyo, dalagita nagbigti

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinasya ng isang 14-anyos na dalagita na tapusin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti matapos na ma­pahiya nang mapagsabihan ng kanyang nanay sa harap ng boyfriend nito sa Quezon City, ayon sa pu­lisya kahapon.

Ayon kay PO2 Anthony Tejerero, si Shanara Iglesias, 1st year high school at residente sa Brgy. Capri Novaliches ay natagpuan na lamang nakabitin sa may ikatlong palapag ng kanilang bahay, ganap na alas 8 ng umaga.

Sa pagsisiyasat ni Te­jerero, bago ang insidente­, kamakailan lang ay na­pagsabihan umano ng kan­yang nanay ang biktima sa harap ng kanyang boyfriend matapos na sila’y mahuli nito.

Ang naturang insidente­, sabi ni Tejerero, ay di­nam­dam ng biktima, kung saan nitong Sabado ay ibinulalas ng biktima ang sama ng loob sa kanyang pinsang si Johanna kasabay ng pagbabanta na magpapakamatay na lang siya.

Kahapon, isang bisita ng biktima na alyas Marshal ang nag-imporma kay Johanna na ang biktima ay nagpakamatay kung kaya’t agad na umakyat si Jo­hanna at kapatid ng biktima na si Nomer, kung saan nakita nila ang bik­tima na nakabigti gamit ang kulay itim na alambre.

Dinala pa rin nila ang  biktima sa ospital pero hindi na rin umabot pa ng buhay.

Dagdag ni Tejerero, nagpasya ang magulang ng biktima na hindi na ito pa-otopsiya dahil kumbinsido na silang nagpakamatay ito kung kaya pinapirma na lang nila ito sa isang waiver.

vuukle comment

ANTHONY TEJERERO

AYON

BIKTIMA

CAPRI NOVALICHES

JOHANNA

QUEZON CITY

SHANARA IGLESIAS

SHY

TEJERERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with