^

Metro

Tsinoy todas sa mag-utol

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang Tsinoy nang saksakin ito ng magkapatid dahil lamang sa matagal na nilang alitan kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Kristoffer Chan, 36, isang emple­yado, nakatira sa no. 1745 Cuyengkeng St., ng na­turang lungsod, nagtamo ito ng 10 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa isang ice pick.

Nakakulong naman sa Pasay City Police detention cell ang magkapatid na sina Nel at Randy Dela Cruz, naninirahan sa Zone 1, Bgy. 1 ng na­sabing lungsod.

Batay sa isinagawang imbestigasyon nina SPO1 Cris Gabutin at PO3 Giovanni Arcinue, ng Station Investigation and Detection Management Section ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-10:30 ng gabi sa Cuyengkeng St., Zone 1, Bgy. 1 ng naturang siyudad.

Nabatid na may dati ng alitan ang biktima at mga suspek at nang matiyempuhan nila  si Chan habang bumibili ng sigarilyo ay dito na kinompronta ng magkapatid ang una.

Sa kainitan ng pagtatalo, isa sa mga suspek ang bumunot ng ice pick hanggang sa pinagtulungan nilang pagsasaksakin ang biktima  at duguan itong bumagsak.

Matapos ang pananaksak ay tumakas ang magkapatid at sa follow-up operation ng mga pulis­, nadakip din ang mga ito at si Chan naman ay dinala ng ilang residente sa natu­rang ospital subalit namatay din.

Sasampahan ng kasong murder ang magkapatid na Dela Cruz sa Pasay City Prosecutors Office.

vuukle comment

BGY

CRIS GABUTIN

CUYENGKENG ST.

DELA CRUZ

GIOVANNI ARCINUE

KRISTOFFER CHAN

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

PASAY CITY PROSECUTORS OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with