^

Metro

Maybahay ni Andres Bonifacio Gregoria de Jesus, bayani ng Caloocan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaprubahan ng Sangguniang Panglungsod ng Caloocan ang isang resolusyon na hihiling sa Kongreso na kilalanin bilang bayani ng lungsod ng Caloocan ang maybahay ni Gat Andres Bonifacio na si Gregoria “Ka Oryang” De Jesus.

Batay sa Kapasyahan Blg. 2169 serye 2014, ipinasa ng Sangguniang Panglungsod ng Caloocan ang Panukalang Resolusyon Blg. 4598 na nagsasaad na: “Isang Resolusyon na humihimok sa mga kinatawan ng lungsod Caloocan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na magpapanukala bilang Panglungsod na Bayani ng Caloocan”.

Sa resolusyong iniakda ni Caloocan 1st District Councilor Karina Teh, pinatunayan nito na si De Jesus ay isinilang sa daang Baltazar, ngayon ay P. Zamora Street sa lungsod ng Caloocan noong Mayo 9, 1875.

Tinagurian itong lakambini ng Katipunan bilang sagisag na kabiyak ng Supremo ng Katipunan na si Gat Andres Bonifacio.  Naging bahagi rin ito ng himagsikan at nagsulong ng pag-aalsa para sa pambansang kalayaan.

Dahil din kay Ka Oryang, naging inspirasyon siya ni Bonifacio upang higit pang mapag-alab at napatatag ang pamumuno sa himagsikan. Namuno rin ito bilang bise-presidente ng kababaihang sektor at naging halimbawa at inspirasyon para sa kababaihan.

 

CALOOCAN

DE JESUS

DISTRICT COUNCILOR KARINA TEH

GAT ANDRES BONIFACIO

ISANG RESOLUSYON

KA ORYANG

KAPASYAHAN BLG

KATIPUNAN

KONGRESO

MABABANG KAPULUNGAN

SANGGUNIANG PANGLUNGSOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with