^

Metro

Holdaper patay sa mga pulis sa QC

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang  hindi pa naki­kilalang holdaper makaraang makipagbarilan sa mga pulis matapos holdapin ang isang ladyguard sa Brgy. Commonwealth, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Ang suspek na tina­ta­yang nasa 30 hanggang 40 anyos, kayumanggi ang balat, katamtaman ang pa­ngangatawan ay nagtamo ng  tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nakatakas naman ang isang kasamahan ng suspek at kasalukuyan ngayong pinaghahanap ng mga pulis.

Ayon kay SPO4 Peter Wala Wala  ng Quezon City Police District station 6 Batasan naganap ang insidente  sa Kagawad Road, Brgy.Commonwealth,QC dakong alas-9:40 ng gabi.

Naghihintay ng masasakyan ang biktimang si Melinda Librado, 50, security guard, ng Brgy. Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan sa Litex Road, sa harap ng wet market Brgy. Commonwealth, QC nang tutukan siya ng baril saka hinoldap  ng dalawang lalaki sakay ng isang motorsiklo.

Tinangay ng mga suspek ang bag ng biktima saka mabilis na tumakas patungo sa direksyon ng Kagawad Road.

Nagreklamo naman ang biktima sa himpilan ng QCPD station 6 Batasan saka nagsagawa ng operasyon ang mga pulis sa pangunguna ni Senior Inspector Hector Ortencio.

Habang nagpapatrulya ang mga pulis sa naturang lugar naispatan ng mga ito ang mga suspek habang sakay ng motorsiklo.

Sinita ng mga pulis ang mga suspek subalit agad bumunot ng baril at pinaputukan ang mga pulis.

Dito na gumanti ng pu­tok ang mga pulis at nang mapawi ang putukan tumimbuwang ang isa sa mga suspek habang nakatakas naman ang isa pa.

 

vuukle comment

BATASAN

BRGY

KAGAWAD ROAD

LITEX ROAD

MELINDA LIBRADO

PETER WALA WALA

PULIS

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with