Pulis-Maynila kinasuhan ng kabarong pulis
MANILA, Philippines - Nauwi sa pormal na pagÂsasampa ng reklamo ang pagsasanla ng automated teller machine (ATM) card ng isang pulis laban sa kasamahang pulis sa Manila Police District kaugnay sa pagkakautang na P40,000 noong 2013.
Base sa reklamo ni PO3 Marlon Gatbonton, nakatalaga sa District Public Safety Batallion ng MPD-General Assignment Section, sinasabing ang inutang ni PO1 Benedict Allan Prado ay hindi na niya masingil at hindi na rin nakikipag-ugnayan sa kabila ng pangako na huhulugan ito kada payday.
Ayon kay PO3 Gatbonton, nakasama niya sa Pritil PCP si PO1 Prado kung saan noong Hulyo 13, 2013 ay nakiusap na makautang dahil emergency ang pangaÂngailangan at ginawang prenda ang ATM card nito na kada sahod ay huhulugan.
Dalawang buwan pa lamang umano ang nakalipas ay kinain na ng ATM ang card kung saan nakalagay na ‘invalid transaction’ kaya hindi na ma-withdraw ang pera na agad ipinaalam kay PO1 Prado,.
Hanggang sa kasalukuÂyang buwan ay wala pang nangyayari sa pakiusap ni PO3 Gatbonton kay PO1 Prado na ayusin ang problema sa ATM card upang siya ay mabayaran.
Nagpasiya na lamang si PO3 Gatbonton na pormal na ireklamo ang kabaro kung saan hindi rin umano sumiÂsipot sa pagpapatawag ng MPD-GAS.
- Latest