^

Metro

Lolo laglag sa tricycle, patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 80-anyos na lolo makaraang malaglag buhat sa pagkakaka-angkas sa isang pampasaherong tricycle, kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Hindi na umabot nang buhay sa Pagamutan Lungsod ng Malabon dahil sa matinding pinsala sa ulo ang biktimang si lolo Charlie Latuna, ng Tanigue Street, ng naturang lungsod.

Sumuko naman sa pulisya at nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang tricycle driver na si Cezar Avila, 49, ng Phase 3, Dagat-Dagatan, ng naturang lungsod.

Sa ulat ni Senior Insp. Pablo Temenia, hepe ng Traffic Management Unit ng Caloocan Police, naka-backride sa tricycle ni Avila   si Latuna dakong alas-10 ng umaga pauwi sa kanyang bahay habang puno ng kahoy ang loob ng sasakyan.

Pagsapit sa may Tanigue Street, biglang nalaglag sa tricycle ang matanda at nabagok ang ulo sa semento.  Agad namang sinaklolohan ni Avila ang biktima at dinala sa pagamutan ngunit hindi na naisalba ng mga mangga­gamot.

vuukle comment

AVILA

CALOOCAN CITY

CALOOCAN POLICE

CEZAR AVILA

CHARLIE LATUNA

PABLO TEMENIA

PAGAMUTAN LUNGSOD

SENIOR INSP

TANIGUE STREET

TRAFFIC MANAGEMENT UNIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with