^

Metro

Patayan sa Caloocan, tututukan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagsasagawa ngayon ng malalimang imbestigasyon ang pamunuan ng Caloocan City Police kung iisang tao o iisang grupo lamang ang pumapatay sa mga opisyal sa lungsod.

Magugunitang labis nang ikinaaalarma ng mga residente ang sunud-sunod na insidente ng pagpaslang sa ilang opisyal sa lungsod.

Pinakahuli nga ay ang pagbaril at pagpatay  sa barangay kagawad na si  Rogelio Escano, 53, ng Brgy.  44. Sinasabing   nagluluto sa Tony’s restaurant sa 8th Avenue ang biktima ng isa sa dalawang hindi pa kilalang mga suspek na sakay ng motorsiklo ang bumaril dito.        

Noong Mayo 7,  alas-10:00 ng gabi nang tambangan ng dalawang hindi pa kilalang mga suspek sakay ng motorsiklo si Kagawad Garry Moralla, 26,  ng Brgy. 181 na ikinasawi nito habang sugatan naman ang kanyang misis na tinamaan din ng bala sa insidente.

Nabatid pa na noon  namang Marso 25, 2014 nang pagbabarilin at mapatay ng isa sa dalawang lalaki sakay ng motorsiklo si Brgy. Chairman Pedro Ramirez,  ng Brgy.  183,  alas-7:45 sa Gate 2, Amparo Subdivsion, Quirino Highway ng naturang  lungsod.

Kung saan isang Mark Anthony Francisco “alyas Rodel Elizardo” ang sinasabing gunman,  na suspek din sa pagpatay sa hepe ng Department of Public Safety and Traffic Management Zone 16, North na si Eduardo Balana, 66.

Marso 21, alas-7:30 ng gabi nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang riding-in-tandem si Luisito Banzon, 37,  kagawad ng Brgy.  187 habang nagbababa ng sako ng bigas sa tapat ng kanilang bahay sa Sunflower St., Tala ng naturang lungsod.

 Sa kabila ng mga tama ng bala sa katawan ay nakaligtas si Banzon nang lapatan ng lunas  sa Jose Rodriguez Hospital.

 Napag-alaman  na nakaligtas din sa kamatayan  si  Kagawad Edward Jundayao, 44,  ng Brgy.  174 nang barilin sa katawan ng hindi pa kilalang suspek habang hinihintay ang asawa sa tapat ng kanilang bahay sa Waling-Waling St., Camarin ng naturang lungsod.

Nalaman din na motorcycle riding-in-tandem din ang tumambang at nakapatay kay Brgy. Chairman Alejandro Bonifacio,  ng Brgy. 163 noong Marso 3 ng taong kasalukuyan. 

 

AMPARO SUBDIVSION

BRGY

CALOOCAN CITY POLICE

CHAIRMAN ALEJANDRO BONIFACIO

CHAIRMAN PEDRO RAMIREZ

DEPARTMENT OF PUBLIC SAFETY AND TRAFFIC MANAGEMENT ZONE

EDUARDO BALANA

JOSE RODRIGUEZ HOSPITAL

MARSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with