^

Metro

P1K multa, suspensyon ng lisensya sa nag-overtake sa convoy ni PNoy

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinagbabayad ng Land Transportation Office ng P1,000 ang nagmamaneho ng sports car na nag-overtake sa convoy ni Pangulong Benigno Aquino III sa kahabaan ng Skyway noong Abril 14.

Sinabi ni LTO Law Enforcement Service chief Director Mohammad Lamping na ang naturang halaga ay para sa reckless driving.

Inaprubahan din ni Lamping ang rekomendasyon ni LTO Intelligence and Investigation Division  officer in charge Roberto Valera na dumalo sa seminar at kumuha ng pagsusulit ang nagmamanehong si Jeffrey Roxas-Chua. Inirekomenda rin ni Valera na suspendihin ang lisensya ni Roxas-Chua.

Ayon sa mga ulat, nang parahin si Roxas-Chua ng pulis dahil sa reckless driving at malaman na ang convoy ni Aquino ang nilampasan, inihayag niyang kakilala niya sina Vice President Jejomar Binay at Manila City Mayor Joseph Estrada.

Una nang sinabi ni Binay na hindi niya kilala si Roxas-Chua at inirekomendang kasuhan ang driver.

Pinabulaanan din ni Roxas-Chua na binanggit niya ang pangalan ni Binay at Estrada.

"Whatever the media said that I said, is truly false. Have hard evidence to prove it (video). It's actually a very juicy video. I'm not the type to name-drop people I do not know," wika ni Roxas-Chua sa isang ulat ng motoring magazine website na Top Gear.

BINAY

DIRECTOR MOHAMMAD LAMPING

INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

JEFFREY ROXAS-CHUA

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LAW ENFORCEMENT SERVICE

MANILA CITY MAYOR JOSEPH ESTRADA

PANGULONG BENIGNO AQUINO

ROBERTO VALERA

ROXAS-CHUA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with