^

Metro

Suspek sa Maguindanao masaker timbog sa Taguig

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasakote kagabi sa lungsod ng Taguig ang isa sa mga suspek sa malagim na Maguindanao masaker.

Nakilala ang suspek na si dating Police Officer 1 Warden Legawan na may 56 counts ng murder kaugnay ng pagpatay sa 58 katao, kabilang ang 32 mamamahayag noong Nobyembre 2009 sa Ampatuan, Maguindanao.

Nahuli si Legawan sa bisa ng arrest warrant na inilabas ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ng Quezon City Regional Trial Court branch 221,

Bukod sa kinakaharap na kaso, may nakalabas pang arrest warrant kay Legawan para sa kasong Malversation of Government Property na inilabas ni Judge Bansawan Ibrahim, Al Haj ng RTC Branch 13, Cotabato City.

Si Legawan, na may P250,000 na patong sa ulo, ang pang-115 na suspek na naaresto.

Umabot sa 195 suspek ang pinaaaresto ng korte.

Ayon sa mga pulis, nais makipagtulungan sa kaso ni Legawan at maging state witness.

vuukle comment

AL HAJ

COTABATO CITY

JUDGE BANSAWAN IBRAHIM

JUDGE JOCELYN SOLIS-REYES

LEGAWAN

MAGUINDANAO

MALVERSATION OF GOVERNMENT PROPERTY

POLICE OFFICER

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

SI LEGAWAN

WARDEN LEGAWAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with