Express trains ng MRT, aarangkada na
MANILA, Philippines - Aarangkada na simula ngayong araw ang Metro Rail Transit (MRT)-3 Express Trains.
Noong Abril 30 pa sana papasada ang mga naturang tren ngunit ipinagpaliban ito at ngayon na lamang itinuloy. Dalawang linggong susubukan kung magiging epektibo ang mga express trains, na naglalayong mapabilis ang biyahe at mabawasan ang paghihintay ng mga pasahero sa mga istasyon ng MRT.
Sa express train, sa halip na daanan ang lahat ng isÂtasyon ay lalampasan nito ang ibang istasyon upang makarating agad kung saan mas maraming pasaherong sasakay o bababa.
Limang istasyon lang ang hihintuan ng express trains mula sa pinanggaliÂngan nitong dulong istasyon.
Itinakda ngayong Mayo 7 hanggang 13 ang pang-umaÂgang trial period ng express train pa-south-bound (mula North Avenue hanggang Taft Avenue) mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga habang sa Mayo 14 hanggang 20, ang pang-hapong express train pa-north-bound (mula Taft AveÂnue Station hanggang North Avenue) alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.
Nilinaw ng pamunuan ng MRT-3 na hindi mawawala ang regular na ruta ng tren na tinitigilan ang 12 istasÂyon mula sa end-station nito.
Ayon sa DOTC, salitan ang pagbiyahe ng express at regular trains sa itinakdang oras.
Inatasan na ng DOTC ang pamunuan ng MRT-3 na magpaskil ng mga anunsyo at signages sa lahat ng mga istasyon upang maiwasan ang kalituhan sa mga pasahero kung anong uri ng tren ang padating.
Matapos ang dalawang linggong experiment, saka irirekomenda ng MRT-3 sa DOTC kung gagawin na itong permanente.
- Latest