1 patay sa resbak
MANILA, Philippines - Isang lalaki ang namatay makaraang saksakin ng maÂtagal na nitong kaalitan sa Navotas City kahapon ng madaÂling-araw.
Nakilala lamang ang biktima sa alyas “Bahoâ€, tinatayang nasa edad 40-anyos, at tadtad ng tattoo sa buong katawan. Nadakip naman sa operasyon ang suspek na si Joma Sta. Maria, 37, ng M. Aquino Street, Brgy. Niugan, Malabon City.
Sa ulat ng pulisya, mag-isang naglalakad sa may Northbay Boulevard South ang biktima dakong alas-3 ng madaÂling-araw nang sumulpot at pagsasaksakin ito ni Sta. Maria pagsapit sa tapat ng Baron KTV bar.
Agad na tumakas palayo ang suspek matapos ang paÂnanaksak ngunit nakorner rin ito ng mga humabol na barangay tanod at mga pulis. Sinabi ni Sta. Maria na naghiganti lamang umano siya sa unang atraso na ginawa sa kanya ng biktima.
Samantala, kritikal naman ang 34-anyos na si Jaycee De Guzman, ng Silanganan Street, Brgy. Maypajo, Caloocan nang pagsasaksakin ng kaaway na si Jessie Nunag, ng Brgy. 3 ng naturang lungsod.
Nabatid na namamasada ng pedicab ang biktima dakong alas-7:30 ng gabi nang biglang sumulpot ang suspek at saksakin ang biktima sa tagliran bago mabilis na tumakas. Agad namang nasaklolohan ng mga kasamaÂhang pedicab driver ang biktima at naisugod sa pagamutan.
- Latest
















