^

Metro

Pamilya ni Major Santiago, nagpapasaklolo sa NBI

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos na ibunyag ng pinaslang na si Chief Insp. Elmer Santiago ang pagkaka­sangkot ng 30 pulis kabilang ang kanyang kaklase sa sindikato ng illegal na droga, nagpapasaklolo ngayon  sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pamilya  nito.

Idinaan ng pamliya Santiago ang pormal nilang reklamo kay NBI Director Virgilio Mendez  sa tulong ni Jonathan Morales at Ferdinand Magisa, Presidente at Chairman ng Anti Drug Advocate.

Idinahilan ng pamilya Santiago na wala silang tiwala sa pulis dahil naniniwala umano sila na pulis din ang nagpapatay kay Major Santiago.

Si Santiago na miyembro ng Philippine National Police Academy class 1996,  at  may ranggong Major ay nasa “floating status”  sa Central Luzon Police Regional Personal Holding ang Administrative Unit bago ito napatay.

Matatandaang noong Abril 16, minamaneho ni Santiago ang kanyang sasakyan kasama ang kanyang asawa habang binabagtas ang lugar ng Mandaluyong nang ambusin sila. Idineklarang dead-on-arrival sa Victor Potenciano Medical Center sa EDSA ang biktima habang nakaligtas ang asawa nito.

Bago ang pag-ambush kay Santiago ay gumawa ito ng “plano” kung saan isinangkot nito ang kanyang kaklase at ilang ilang opisyal ng pulis sa sindikato ng droga sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) kung saan ilang nakade­tineng drug lords ang umano’y nagpapatakbo ng operasyon sa loob. Ang naturang “plano” ay ipinadala kay Philippine National Police chief Director General Alan Purisima.

Ang Eastern Police District (EPD) ay nagtatag ng isang special investigation task group  sa pagkamatay ni Santiago subalit tumanggi ang pamilya ng napaslang sa paniniwalang pulis din ang may kagagawan ng pagpatay sa kanya.

ADMINISTRATIVE UNIT

ANG EASTERN POLICE DISTRICT

CENTRAL LUZON POLICE REGIONAL PERSONAL HOLDING

CHIEF INSP

DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

DIRECTOR VIRGILIO MENDEZ

DRUG ADVOCATE

SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with