Deployment ng traffic enforcers, daragdagan ng MMDA
MANILA, Philippines - Magdaragdag ng deployment ng kanilang mga tauhan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong Miyerkules Santo para umasiste sa inaasahang masikip na daloy ng trapiko kaalinsabay sa uwian ng marami at sa huling bahagi ng ultimate road re-blocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Nabatid kay MMDA Chairman Francis Tolentino na mariin nilang tututukan ang kabuuang proyekto at hindi makaabala sa pagmamantina ng trapiko sa kahabaan ng EDSA Avenue. 
Ayon kay Tolentino, walong grupo ng MMDA Mobile Patrol Unit ang itaÂtalaga sa kahabaan ng EDSA simula ngayong Miyerkules Santo, alas-2:00 ng hapon upang umalalay mga motoristang maiipit sa pagsisikip ng daloy ng trapiko.
 Naglatag din ng mga alternatibong daan ang MMDA para sa mga provincial bus na gagamit ng EDSA.
Kahapon ay humirit nga ang DPWH na Martes pa lamang ng gabi ay nais na nilang masimulan ang road re-blocking. Subalit hindi pumayag ang MMDA sa hirit ng DPWH sa pangambang makaabala ito sa mga papasok sa trabaho hanggang ngaÂyong umaga.
- Latest