Trader na isinangkot sa MRT extortion, lumutang sa NBI
MANILA, Philippines - Personal na nagtungo sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang negosyante na isinasangkot ni Czech Ambassador Joseph Rychtar sa kontrobersyal na kasong extortion sa Metro Rail Transit (MRT).
Kahapon ay personal na nagtungo sa NBI ang negosÂyanteng si Roehl “Boyett†Bacar, Pangulo ng Comm Builders Technology Philippines Corporation o CB&T para linisin ang kanyang pangalan tungÂkol sa sinasabing $30-M Inekon Group extortion case matapos itong imbitahan ng ahensiya.
Ayon Atty. Jerusha VillaÂnueva, walang basehan ang pagsasangkot sa kanyang kliyente sa panghihingi ng pera kapalit ng kontrata sa pagsu-suplay ng 48 bagong coaches ng MRT-3.
Giit ni Villanueva, sa malinis na paraan sa pamamagitan ng public bidding kaya nakuha ni Bacar ang kontrata noong 2013 sa pagmamantine ng MRT.
Bukod dito, itinanggi rin ni Bacar ang alegasyon ni RyÂchtar na siya ay may impluÂwensya sa mga opisyal ng Department of Transportation and Communications (DOTC) kaya siya nakakuha ng kontrata.
Nagsumite na rin umano sila ng mga dokumento sa NBI para patunayang walang kinalaman si Bacar sa alegasyon ng extortion. Siniguro naman ni Bacar na handa silang makipagtulungan sa NBI tungkol sa nasabing kaso.
- Latest