4 pulis na humawak sa kaso ni Vhong Navarro, suspendido
MANILA, Philippines - Sinuspinde ng 20 araw ang 4 na pulis na tumanggap ng blotter report hinggil sa pambubugbog sa actor/TV host na si Vhong Navarro sa Taguig City noong Enero 22 ng taong ito.
Base sa rekomendasyon ng Regional Internal Affairs Service sa tanggapan ni PNP Chief Director General Alan Purisima, pinasasampahan na ng kasong administratibo ang naturang mga pulis.
Kinilala ang mga ito na sina Senior Inspector Eduardo Alcantara, hepe ng Directorate of Investigative and Detective Management Division-Southern Police District (DIDM-SPD) at mga tauhan nitong sina PO3 Dalmacio Lumian Jr., PO3 Eugene Pugal at PO3 Rolly Laureto.
Bukod sa pagkakasuspinde sa mga ito ng 20 araw ay kanselado rin ang kanilang mga sahod.
“Wherefore premises considered. Respondents are hereby found liable for neglect of duty and as such suspended from the police service for a period of 20 days with forfeiture of salary for the same period,†ayon sa PNP.
Magugunita na ang nasabing mga pulis ang tumanggap ng report nang dalhin ng grupo ng negosÂyanteng si Cedric Lee ang bugbog-saradong si Navarro para umano’y ipa-blotter ang ginawang pangre-rape kay Deniece Cornejo.
Ipinunto sa ibinabang desisyon na kahit bugbog- sarado na ang aktor ay hindi ito dinala sa hospital ng naturang mga pulis na umano’y hindi nakilala ang TV host.
Samantalang hindi rin ng mga ito inalam ang dahilan kung bakit binugbog nina Lee si Navarro.
- Latest