^

Metro

Mega re-blocking simula na sa EDSA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon  ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na inumpisahan  na ang concrete re-blocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kahabaan ng EDSA Avenue, Makati City kamakalawa ng gabi kaya naranasan na ng maraming motorista ang matinding trapik.

Nabatid na nasa  da­lawa hanggang tatlong linya ng EDSA sa north at south bound mula Ayala Tunnel hanggang sa Guadalupe ang gagawing concrete road re-blocking at sa iba pang lugar.

Ayon  kay  DPWH National Capital Region (NCR) Dir. Reynaldo Tagundado, tatagal hanggang sa Sabado De Gloria ang road re-blocking sa naturang lugar.

Bagama’t magka­karoon ng break sa Martes Santo at Biyer­nes Santo, iko-kordon naman ito para matuyo ang semento.

Sinabi pa ni Tagundado, nakipag-ugnayan na sila sa mga opisyal ng MMDA para sa naturang proyekto at 
dag­dag pa nito, hindi masyado maaapektuhan ng trapik ang  EDSA dahil hindi sindami ng normal na araw ang buhos ng sasakyan kapag Semana Santa.

 

AYALA TUNNEL

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

MAKATI CITY

MARTES SANTO

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NATIONAL CAPITAL REGION

REYNALDO TAGUNDADO

SABADO DE GLORIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with