^

Metro

QC bilang technical skills capital, isusulong ni VM Joy B

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isusulong ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na maging technical skills capital ang lungsod. 

Ayon kay Belmonte ka­tulong nila ang pamahalaan ng Korea nang magkaroon ng isang tripartite agreement ang Korea at Pilipinas (KORPHIL) sa pamamagitan ng Korean International Co­operation Agency, TESDA  at QC government para makapag -produce ang lungsod ng mga highly skilled manpower sa IT industry.

Anya, naglaan ang Korea ng $4.3 milyon sa Tesda para pondohan ang proyektong ito sa QC, gayundin  ang mga equipment at structure para dito.

Para sa matagumpay na pagpapatupad ng proyektong ito ay nakapagpatayo ang QC government ng IT training center sa Novaliches katulong ang Korea upang dito hasain at bigyan ng training­ ang mga taga-lungsod at ang mga graduates dito ay  bibig­yan ng trabaho ng KORPHIL­.

Ang proyekto ay nagsimula noong 2004 at magtatapos sa taong 2019 ay pinanga­ngasiwaan ng QC Polytechnic University.

ANYA

AYON

BELMONTE

ISUSULONG

KOREAN INTERNATIONAL CO

NOVALICHES

PILIPINAS

POLYTECHNIC UNIVERSITY

QUEZON CITY VICE MAYOR JOY BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with