Suspect sa Baguio massacre, sumuko
MANILA, Philippines - Sumuko na kahapon ang sinasabing suspect sa pagmasaker sa lima katao kabilang ang tatlong paslit sa Baguio City, kamakailan.
Ang suspek na si Philip Tolentino Avino, 31, ay half-brother ng pulis na si PO3 Jeffrey Sta. Ana na hiningan nito ng tulong para makasuko nang matiwasay upang malinis ang pangalan.
Nakipag-ugnayan umaÂno kaagad si Chairwoman Chit Tolentino, ng Barangay 584 sa Quezon City, tiyahin ng suspek sa tanggapan ni Manila Councilor DJ BagatÂsing na ipinarating naman kay Manila Vice Mayor Isko Moreno kaya bandang alas 12:00 ng madaling-araw kahapon ay tuluyang lumutang ang suspect na sinundo sa Cubao, Quezon City.
Mariing itinanggi ng suspek na siya ang may kagaÂgawan sa pamamaslang.
Aminado ang suspek na galing siya sa bahay ng mga biktima bago pa maganap ang krimen, subalit wala siyang alam sa pangyayari at katunayan ay umuwi na siya sa Maynila sakay ng Genesis Bus matapos madismaya nang malaman na may iba nang karelasyon ang babawiin sanang live-in partner na si Samantha.
“Gusto ko pong mabawi ang kinakasama kong si Samantha mula sa kantina ng pamilya Nociete pero hindi sapat yun para pumatay ako ng mga tao,†ayon kay Avino.
Kaibigan niya umano ang pamilya Nociete na amo ng kasintahan at sanay siyang umekstra ng trabaho doon.
Isang kasamahan sa trabaho lamang ang nagsabi sa kanya hinggil sa naganap na masaker at nagulat siya nang sabihan na isa siya sa suspek.
Natakot umano siya kaya humingi ng tulong sa maÂaaring magbigay sa kanya ng proteksiyon sa pagsuko.
Nakatakdang dalhin ng Manila Police sa Baguio City Police ang sumukong suspect.
- Latest