Sinita sa dalang baril Lalaki todas sa shootout
MANILA, Philippines - Isang lalaki ang patay makaraang makipagbaÂriÂÂlan sa mga pulis nang sitahin ito sa pagdadala ng baril at aaligid-aligid sa tapat ng barangay hall, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Nakilala ang nasawi na si Sandy Raymundo, alyas Palaka, 37 at naninirahan sa Libis Street, ng naturang lungsod.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:20 ng gabi nang may makapansin sa suspek na aaligid-aligid sa tapat ng Barangay Hall ng Brgy. 55.
Napansin rin ang naÂkabukol na baril sa tagiliran nito kaya agad na ipiÂnagbigay-alam sa mga otoridad ng mga concerned citizen.
Nang sitahin ng magkasanib na puwersa ng pulis at mga barangay tanod, agad na sumakay sa isang tricycle ang suspek.
Naipit naman sa buhol na trapiko ang tricycle kaya napilitang bumaba si Raymundo at tumakbo na lamang.
Nakorner naman ang suspek pagsapit sa may P. Sevilla Street sa Brgy. 54 kaya napilitan umano itong paputukan ang mga pulis na gumanti naman ng putok at nagresulta sa pagkakapaslang kay Raymundo.
Nakuha sa posesyon nito ang isang kalibre .45 na baril na kargado ng isang magazine ng bala.
Matatandaan na dalawang barangay chairman na sa lungsod ng Caloocan ang napapaslang ngaÂyong buwan ng Marso habang isang barangay kagawad ang sugatan sa pamamaril ng mga “riding-in-tandemâ€.
Inaalam naman ngaÂyon kung may kaugnayan ang pagkakadiskubre kay Raymundo sa serye ng mga patayan ng mga opisÂyal ng barangay at kung may target ito sa Barangay 55.
- Latest