Brgy. chairman todas sa tandem
MANILA, Philippines - Isa na namang barangay chairman ang panibaÂgong biktima ng riding-in-tandem sa Caloocan City maÂkaraang pagbabarilin at mapatay ng mga salarin, kaÂhapon ng umaga.
Isinugod pa sa Tala GeÂneral Hospital ngunit hindi na rin umabot ng buhay ang biktimang si Pedro RaÂmirez, 57, chairman ng Brgy. 183 sa Tala, ng natuÂrang lungsod.
Patuloy namang nagsasagawa ng follow-up operaÂtions ang Operations Division ng Caloocan Police sa pangunguna ni Chief Insp. Jay Agcaoili upang madakip ang mga suspek matapos na makakuha umano ng magandang lead sa pagkakakilanlan ng mga ito.
Sa ulat ni PO3 Renen Malonzo, nakatayo sa tapat ng Amparo Hardware and Construction sa may Amparo Subdivision sa may Gate 2, Quirino Highway, Brgy. 183 dakong alas-7:45 ng umaga ang biktima nang hintuan ng dalawang salarin na magkaangkas sa motor at pagbabarilin.
Agad na tumakas ang mga salarin habang maÂbilis na sinaklolohan ng mga residente ang biktima at isinugod sa pagamutan.
Ayon pa kay Agcaoili nagÂbuo na ng Task Force Ramirez ang kapulisan para sa mas mabilis na pagÂresolba sa kaso. Pangunahing tutukuyin rin ang mga posibleng motibo sa pamamaslang upang matukoy ang mga taong maaaring nasa likod ng pagpapaÂpatay sa biktima.
Matatandaan na noong Marso 4, napaslang rin ng “riding-in-tandem†ang isa pang barangay chairman na si Alejandro Bonifacio sa may Sta. Quiteria, Brgy. 163. Hinihinalang politika ang motibo ng naturang paÂmamaslang.
- Latest