^

Metro

Ex-Vice Mayor tiklo sa 22 counts ng rape

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang dating­ Vice Mayor  ng Nueva Ecija matapos itong maaresto kaugnay ng kasong  rape  na isinampa laban dito sa isinagawang operasyon sa lungsod ng Maynila,  kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Sr. Supt. Wilben Mayor, Spokesman ni PNP Chief Director General Alan Purisima ang nasakoteng suspect na si dating Pantabangan, Nueva Ecija Vice Mayor Romeo Borja Jr.

Si Borja ay inaresto ng PNP-Intelligence Group (PNP-IG) sa pakikipagkoordinasyon sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at  Police Station 5 ng Manila Police District sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte.

Bandang alas-9:45 ng gabi nang masakote ng mga operatiba si Borja sa bisinidad ng Manila Pavilion Hotel sa United Nations Avenue sa lungsod ng Maynila sa bisa ng warrant of arrest laban dito kaugnay ng kasong 22 counts ng rape.

Nabatid na karamihan sa mga biktima na nagreklamo laban sa suspect ay mga menor-de-edad.

Una nang nag-isyu ng warrant of arrest si  Judge Loreto Alog Jr., Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 38 ng San Jose City, Nueva Ecija sa kaso ni Borja at wala ring inirekomendang piyansa para sa pansamantala nitong kalayaan.

Kasalukuyan nakapiit sa Custodial Center ng Camp Crame ang naarestong itinuturong rapist umano na dating lokal na opisyal.

BORJA

CAMP CRAME

CHIEF DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

CUSTODIAL CENTER

INTELLIGENCE GROUP

JUDGE LORETO ALOG JR.

MANILA PAVILION HOTEL

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

NUEVA ECIJA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with