^

Metro

Habang nanggugulpi, namamaril ng lalaki 2 bagitong pulis, huli sa CCTV

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa balag ng alanganin ang dalawang bagitong parak­ makaraang makuhanan ng closed circuit tele­vision (CCTV) camera na sangkot sa panggu­gulpi at pamamaril sa isang lalaki sa Caloocan City kama­kailan.

Kinilala ang mga pulis  na sina  PO1s Bingo Sadia at Froilan Sy, kapwa naka­talaga  ng Caloocan City Police.

Sa rekord ng pulisya, nabatid na kamakailan ay nakatalo ng mga suspek ang biktimang si Jomar Mariano sa F. Roxas St., ng naturang  lungsod.

Nakita sa CCTV camera kung paano nila hinataw ng bote at binaril ang naturang biktima at saka nagsitakas  hanggang sa dinala naman sa Caloocan Medical Center­ si Mariano ng kanyang mga kaanak.

Nang makuha ang nai-rekord ng CCTV sa ka­tabing botika ay ipinakita sa biktima ang mga litrato ng da­lawang pulis kung saan positibong itong kinilala ng una at ng ilang testigo.       

Sinampahan ng mga kasong frustrated homicide at physical injuries ang mga suspek.

vuukle comment

BINGO SADIA

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CALOOCAN MEDICAL CENTER

FROILAN SY

JOMAR MARIANO

ROXAS ST.

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with