^

Metro

Sa panloloob sa jewelry shop sa Cubao anggulo ng inside job, sinisilip

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inside job.

Ito ang tinitingnan ng Quezon City Police District (QCPD) na isa sa hini­hinalang ugat ng panloloob sa isang jewelry shops sa Cubao­, kamakalawa ng umaga­.

Ayon kay QCPD director Chief Supt. Richard Albano, posible anyang may ka­sabwat ang mga suspek sa loob ng shop dahil base sa nakita nila, hindi umano gaanong bihasa ang mga suspek sa kanilang ginawa.

Maaalalang pinasok ng apat suspek ang First Allied Emporium Jewelry Inc., na matatagpuan sa kahabaan ng Gen. Roxas, Araneta Center, Cubao, nitong Lunes ng alas- 9:45 ng umaga.

Sinabayan ng mga suspek ang pagpasok ng mga em­pleyado ng jewelry shop, saka nagdeklara ng holdap at pinagbabasag ang display case ng mga alahas saka tinangay ang mga ito.

“Base sa imbestigasyon, hindi ito linya ng mga suspek, kasi base sa profilling naten, magkakamukha dapat ang modus ng mga beteranong holdaper, pero ang mga ito ay parang tumetesting at hindi­ gaanong bihasa,” sabi ni Albano­.

Giit ng opisyal, mas malaki anya ang maitutulong sa kaso kung ang CCTV ca­mera na nasa loob ng establisimento ay nakabukas dahil dito ay mapapadali anya ang pag­tukoy sa mga suspek.

Ayon kay Albano, ma­tagal nang ordinansa ng city hall ang paglalagay ng CCTV camera­ sa mga gusali, at may task force umano silang nag-iikot dito sa mga pawnshop o banko, pero sa kaso ng jewelry­ store, ayaw umano nitong magpalagay dahil naiilang daw ang kanilang mga kostumer.

ALBANO

ARANETA CENTER

AYON

CHIEF SUPT

CUBAO

FIRST ALLIED EMPORIUM JEWELRY INC

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with